Pagpapaliwanag ng PALEA Position
Ano ang gusto/hiling ng PALEA?
Ang gusto ng PALEA ay manatili ang aming regular na trabaho sa PAL sapagkat ito ang magtitiyak ng kinabukasan ng aming mga pamilya. Hiling ng PALEA sa PAL na itigil ang planong outsourcing at kontraktwalisasyon habang hinihintay ang final decision of the courts [mas madaling intindihin ang pormulasyong ito kaysa legal term na final judicial resolution]. Sa ngayon ay nasa Court of Appeals ang kaso.
Sa kaso ng 1,400 flight
attendants, last September ay nadesisyunan ng Supreme Court with finality na
illegal ang dismissal ng PAL sa kanila noong 1998. Justice delayed is justice
denied. Ayaw ng PALEA na mangyari ito sa amin. Kaya dapat wala munang tanggalan
habang umaandar ang kaso. Kung sakali namang matalo sa kaso ay tatanggapin ito
ng PALEA.
Handa bang makipag-ayos
ang PALEA?
Paulit-ulit na nananawagan
ang PALEA sa PAL na buksan ang pag-uusap para malutas ang kaso. Sa ngayon ang
PAL ay patuloy na sarado sa usapan. Simple lang ang kailangan para matapos ang
dispute o problema—pabalikin ang tinanggal na 2,600 PAL employees para maging
normal uli ang flights ng PAL. Samantala antayin ng PAL at PALEA ang resulta ng
kaso sa korte kung tama o mali ang outsourcing.
Hindi ba’t ang PALEA
strike ang sanhi ng flight disruptions?
Hindi nag-strike ang
PALEA, naka-lock-out ang PALEA members. Ayaw kaming papasukin ng PAL sa airport
at offices. Nang magprotesta sa airport ang PALEA, sa halip na makipag-ayos ng
PAL, nagcancel agad ito ng flights.
Mula nang pwersahang
paalisin ang PAL employees noong September 27 (Martes) ng gabi hanggang
madaling araw ay mga replacement workers o iskirol na ang nagtatrabaho sa PAL.
Hindi kaya ng mga iskirol na palitan ang trabaho ng mga tinanggal kaya’t
disrupted at cancelled ang flights. Ang failure ng outsourcing plan ang dahilan
ng patuloy na flight cancellations at delays.
Bakit nag-strike ang PALEA?
Hindi strike kundi
protesta ang ginawa ng PALEA. Pansamantala kaming tumigil ng trabaho noong
umaga ng September 27 (Martes) upang ipakita sa PAL na solid ang defiance sa
napipintong tanggalan at pilitin ang PAL na makipagkasundo. Immediately after ng
protesta, sa halip na makipag-ayos ang PAL, ay nag-decode ang kompanya ng
computer systems kaya’t di na makapagtrabaho ang employees at matapos ang ilang
oras ay pwersahan nang kaming pinaalis sa airport at offices. Kaya lock-out
hindi strike ang naganap.
Sandal na sa pader ang
PALEA. Dalawang taon na kaming nananawagan sa PAL at lumalaban sa iba’t ibang
paraan para mapigilan ang tanggalan at kontraktwalisasyon. Ang protesta ang
nalalabing paraan para i-defend ng PALEA ang regular na trabaho.
Bakit nagprotesta ang
PALEA sa gitna ng bagyo at pinerwisyo ang mga pasahero?
Hindi sinadya ng PALEA na
magprotesta sa gitna ni Pedring dahil hindi naman kayang hulaan kailan darating
ang bagyo. Kailangan nang magprotesta ng PALEA dahil wala pa man ang effectivity
date ng termination noong September 30 ay pinapalitan na ang regular employees
at pumapasok na ang replacement workers. Inamin na rin ng PAL, sa isang memo na
binigay sa DOLE, na September 19 pa lang ay start na sila ng implementation ng
outsourcing sa halip na October 1. Ito ang dahilan kung bakit kinailangang
magprotesta ang PALEA noong September 27.
Bakit hindi nag-notice ang
PALEA na magprotesta ito upang di naabala ang pasahero?
Pauli-ulit na nagsabi ang
PALEA na magsasagawa ito ng protesta na magpa-paralyze sa oeprations ng PAL.
Wala yatang naniwala sa announcement ng PALEA. Laluna’t lagi itong sinasagot ng
PAL na huwag mag-alala ang mga pasahero dahil walang flight disruptions na
mangyayari. Pero noong nangyari na ang protesta ng PALEA, PAL pa ang kusang
nag-cancel ng flights.
Humihingi ng pag-unawa ang
PALEA sa publiko sa anumang inconvenience na dulot ng protesta. Ang
ipinaglalaban ng PALEA ay aming trabaho at kinabukasan ng aming pamilya.
Anumang abala sa publiko ay temporary lang. Kapalit naman nito ay safe and
efficient service na tanging matitiyak lang ng regular hindi kontraktwal na
manggagawa.
Hindi ba economic sabotage
ang ginawa ng PALEA?
Ang saklaw ng economic
sabotage ay mga kaso ng illegal recruitment, syndicated estafa, at black
market operation. Hindi kasama sa economic sabotage ang labor disputes. Kahit
ang sinasabing CAAP Law ay nagbabawal sa disruption ng airport services at
facilities pero hindi paralyzation ng airline operations. Magkaibang bagay ang
airport at airline. Pinapayagan ng Labor Code ang protests at strikes ng
private sector workers kahit pa public utilities. Pinapayagan ito ng batas
sapagkat kinikilalang karapatan at legitimate ang mass action bilang paraan
para pwersahin ang kompanyang makipag-ayos kung may grievance o reklamo.
Naiintidihan namin ang
kalagayan ng PALEA members pero sana di na kayo nag-strike o nagprotesta
Salamat sa lahat ng
nakakaunawa sa sitwasyon ng PALEA members na mawawalan ng trabaho at planong
gawing kontraktwal na manggagawa. Pero hindi awa kung pag-unawa ang hiling ng
PALEA. Kung naniniwala kayong mali ang ginawa ng PAL sa amin, dapat kasabay
ninyong maintindihan na tama ang ginawang protesta ng PALEA. Sapagkat inaapi
ang PALEA members, karapatan ng PALEA na magsagawa ng protesta. Walang
makapagpapalambot sa pagmamatigas ng PAL kundi ang protesta ng PALEA at
pakikiisa ng taumbayan.
Hindi ba’t malulugi o
bababagsak ang PAL kundi nito gagawin ang outsourcing? Hindi ba mas mabuti nang
magsakripisyo ang 2,600 employees kaysa mawalan ng trabaho ang 5,000 pang
nalalabing manggagawa?
Black propaganda at
blackmail lang ito. Hindi totoong pagbagsak o nalulugi ang PAL. Nitong huling
fiscal year 2010-11 ay may net income ang PAL na $72.5 million o lagpas P3
bilyon. Labas pa ito sa $46.5 million o P2 bilyong utang na nabayaran noong
June 2010. Kahit ngayong taon ay mas projection ang PAL na kikita kahit pa mas
maliit kaysa last year. Si Lucio Tan ang second richest Filipino at ang net
worth niya ay mas malaki pa ngayon kumpara noong nakaraan, bunga na ito ng
magandang kita ng PAL.
Hindi ba pwedeng
magsakripisyo ang PALEA para di bumagsak ang PAL?
Hindi nalulugi o pagbagsak
ang PAL pero ganunpaman handa ang PALEA sa isang collective bargaining
agreement or CBA na makipag-usap sa PAL sa mga measures para mapaganda pa ang
kompanya.
Matagal nang nagsakripisyo
ang PALEA. Mula 1998 ay walang bagong CBA negotiations kaya’t wala halos
increase ang wages and benefits sa loob ng 13 years. Bunga ng sakripisyong ito
ay narehabilitate ng mas maaga sa plano ang PAL. Pero noong 2009, sa panahong
dapat ay magkaroon na ng bagong CBA negotiations, tsaka nag-announce ang PAL ng
outsourcing. Tanggalan ang reward ng PAL sa sacrifice ng PALEA.
Hindi ba’t makakatanggap
naman ng magandang separation offer ang PALEA?
Regular na trabaho hindi
separation pay ang ipinaglalaban ng PALEA. Kapag pumayag ang PALEA members na
matanggal at maging kontraktwal ay hindi na namin kayang buhayin nang disente
ang aming mga pamilya.
Hindi ba ligal nang
isagawa ng PAL ang outsourcing dahil may desisyon na?
Kinampihan ang PAL ng DOLE
at ng Office of the President na pwede itong mag-outsourcing. Pero ang proseso
ng batas ay hindi pa ito agad maaring ipatupad sapagkat maari pang isampa ang
kaso sa Court of Appeals at Supreme Court. Sa ngayon ay nakasampa ang kaso ng
PALEA sa Court of Appeals at hiling ng PALEA na huwag ipatupad ang outsourcing
hangga’t walang final decision ang korte.
Hindi pwedeng double
standard ang PAL na kapag panalo ito sa kaso ay agad magpapatupad pero kapag
talo ito ay iaappeal pa korte bago sumunod. Sa kaso ng flight attendants,
pinaaabot ng PAL ang kaso sa Supreme Court at dalawang beses pa itong
nag-motion for reconsideration. Sa dulo ay nagdesisyon ang Supreme Court with
finality na illegal ang dismissal sa 1,400 flight attendants.
Ano ang outsourcing plan
ng PAL?
Ang plano ng PAL ay
tanggalin ang 2,600 employees sa tatlong departments—airport services, inflight
catering at call center reservations. At ililipat kami sa tatlong service
providers—ang Sky Logistics, Sky Kitchen at SPI Global. Ibig sabihin ang
regular employees ng PAL ay gagawing kontraktwal sa mga providers or agencies.
Ano ang epekto sa PALEA
members ng planong outsourcing?
Malaking sakripisyo at
perwisyo ang magiging epekto ng outsourcing at kontraktwalisasyon. Babagsak ang
sweldo, mawawalan ng benepisyo, wala nang kasiguraduhan sa trabaho at wala na
ring unyon na boses at proteksyon ng manggagawa.
Bilang halimbawa, ang
isang PAL senior reservations agent ay kasalukuyang tumatanggap ng P22,400 in
salaries at allowances. Kapag lumipat siya sa SPI Global, P10,000 na lang ang
sweldo niya. Ang isang master mechanic ng PAL, kapag lumipat sa Sky Logistics
ay papaswelduhin na lang ng P11,111.50.
Sasahod ng mas mababa pero
magtratrabaho ng mas mahaba. Sa service provider ay 8 hours per day at 6 days a
week ang trabaho. Kumpara ito sa 7.5 hours per day at 5 days a week sa PAL.
Ang isang PAL employee na
20 o 30 years ang work experience, kapag lumipat sa service provider ay
gagawing probationary for 6 months! Walang kasiguruhan ang trabaho sa service
providers sapagkat contractual ang status.
Nangyari na ito sa 55
newly-hired customer service agents ng PAL na kinuha nitong June at July para
sa 6-month contracts. Pero ngayong buwan ay biglaan silang na-terminate ng PAL.
Sa isang iglap ay wala na silang trabaho, wala nang sweldo, wala nang pagkain
sa lamesa ang kanilang pamilya.
Walang manggagawa ang
mabubuhay ng disente sa sahod, benepisyo at working conditions ng isang
kontraktwal. Hindi makakasabay ang aming sahod sa pagtaas ng presyo ng mga
bilihin. Hindi na namin mapapag-aral ang aming mga anak. Wala kaming pagkukunan
kapag may nagkasakit sa aming pamilya. Walang kaming kinabukasan at dangal sa
trabahong kontraktwal.
Bakit nilalabanan ng PALEA
ang outsourcing plan ng PAL?
Tutol ang PALEA sa
outsourcing plan dahil ito ay isang scheme para sa kontraktwalisasyon ng mga
manggagawa at pagbuwag ng unyon. Tatanggalin ang 2,600 PAL employees at gagawin
kaming contractuals sa service providers or agencies. Madudurog din ang unyon
dahil 70% ng members at 62% ng leaders ang matatanggal. Kapag natanggal ang
2,600 ay siguradong kasunod na rin ang natitira pang 900 na maiiwang PALEA
members.
Nag-announce ang PAL ng
outsourcing plan noong 2009, sa panahong dapat ay magsimula na ang bagong CBA
negotiations. Ibig sabihin, bad faith o may masamang balak ang PAL na umiwas
lang sa CBA at madurog ang PALEA.
Hindi ba’t ang departments
to be outsourced ay non-core kaya ok lang?
Palusot lang ng PAL ang
tawaging non-core services ang tatlong departments to be outsourced—airport
services, inflight catering at call center reservations. Baluktot na katwiran
ng PAL na ang business daw nila ay flying kaya’t di kailangan ang departments
na ito. Kung di pala kami kailangan, bakit ngayon ay di makapag-operate ng
maayos ang PAL? Essential and necessary sa operations ng PAL ang
trabaho ng PALEA members at di dapat i-outsource.
Hindi ba’t global trend na
ang outsourcing?
Totoong global trend ang
outsourcing at kontraktwalisasyon. Pero totoo din na global trend ang defiance
sa outsourcing at kontraktwalisasyon. Kahit saan sa mundo, nilalabanan ng
manggagawa ang kontraktwalisasyon. Example lang, sa ngayon ay naka-strike ang
Qantas airline workers ng Australia dahil sa outsourcing. Sa Egypt at Tunisia,
ang spark ng revolutions sa Arab countries, hiling ng manggagawa ang regular na
trabaho, ayaw nila ng contractual status. Sa Europe at US ay madaming protests
at general strikes laban sa contractualization.
Ang global trend sa
kontraktwalisasyon ang isang factor sa pagputok ng global recession. Dahil sa
kontraktwalisasyon, bumagsak ang kabuhayan ng mga manggagawa at wala na silang
pambili ng mga pangangailangan sa buhay. Sobrang daming produkto pero walang pambili
ang mga tao. Tuloy nagka-krisis. Regular na trabaho ang kailangan para sa
maganda ang takbo ng ekonomiya bukod sa maganda ang buhay ng manggagawa.
Bakit sinasabing ang laban
ng PALEA ay laban ng lahat?
Ang pagtutol sa
kontraktwalisasyon ay laban ng lahat ng manggagawa. Hindi lang ipinaglalaban ng
PALEA ang kinabukasan ng aming pamilya. Ito ay isang laban para sa lahat ng
manggagawang Pilipino.Kapag natuloy ang kontraktwalisasyon sa PAL, gagayahin
ito ng iba pang mga kompanya. Pero kapag napigilan ang outsourcing sa PAL,
simula na ito ng pagbaliktad sa maling kalakaran ng kontraktwalisasyon.